
Ito ang mga nag sisiusbong na halaman ni Mader Dear
Isa ito sa mga na mimiss ko sa kanya maliban ang kanyang masasarap na luto. Sa araw ng mga ina, di man ako nasa piling niya dasal ang aking natatanging regalo para sa kanya. Nawa’y patnubayan siya ng Poon ng lingap at lubos na pagmamahal. Gantimpalaan siya sa kanyang walang kupas na kabutihang-loob, pagmamahal at pag-alalay sa amin. Biyayaan mo po Panginoon ang aking ina ng kalusugan ng katawan, katiwasayan, kasayahan at lubos na kabutihan. Bigyan niyo po siya ng kagalakan ng pusong ina na kaming kanyang mga anak ay lumaking may kaalaman at kagandahang asal sa harap ng Diyos.
Para sa aking pinakamamahal na Mader Dear, milya-milya man ang pagitan natin ikaw ay laging nasa aking puso. Binabati kita ng Maligayang araw ng mga Nanay!
Sa lahat din ng mga nanay sa buong mundo maligayang araw ng mga Inay sa inyo!











