LP- Mahal na ina

Photobucket - Video and Image Hosting

Ito ang mga nag sisiusbong na halaman ni Mader Dear

Isa ito sa mga na mimiss ko sa kanya maliban ang kanyang masasarap na luto. Sa araw ng mga ina, di man ako nasa piling niya dasal ang aking natatanging regalo para sa kanya. Nawa’y patnubayan siya ng Poon ng lingap at lubos na pagmamahal. Gantimpalaan siya sa kanyang walang kupas na kabutihang-loob, pagmamahal at pag-alalay sa amin. Biyayaan mo po Panginoon ang aking ina ng kalusugan ng katawan, katiwasayan, kasayahan at lubos na kabutihan. Bigyan niyo po siya ng kagalakan ng pusong ina na kaming kanyang mga anak ay lumaking may kaalaman at kagandahang asal sa harap ng Diyos.

Para sa aking pinakamamahal na Mader Dear, milya-milya man ang pagitan natin ikaw ay laging nasa aking puso. Binabati kita ng Maligayang araw ng mga Nanay!

Sa lahat din ng mga nanay sa buong mundo maligayang araw ng mga Inay sa inyo!


25 Comments so far
Leave a comment

talaga naman e no, euphorbia… may tinik tinik… well, mothers can be feisty sometimes… :mrgreen:

Happy mother’s day sa mami mo….

at magaganda ang mga bulaklak nya ha, Inggit ako :)
Jeannys last blog post..LP#6 Mahal na Ina

paniguradong miss ka na ni mader. :)
Linnors last blog post..Mahal na Ina

ang gaganda naman ng mga flowers , kainggit nga!

cess last blog post..Litratong Pinoy #6: Mahal na Ina [Happy Mother’sDay!]

Galing naman ni mader magpatubo ng mga makukulay na bulaklak!

Di na ako nagtataka at maganda rin ang ginawa niyang “pagpapatubo” sa iyo, di ba? ;)

Happy Huwebes sa iyo!

Pinkys last blog post..LP #6: Mahal na Ina

ang gaganda! tila alagang-alaga sila talaga!

magandang huwebes sa’yo! :eek:
lidies last blog post..i need a spark…

ang gaganda ng flowers ng iyong mader dear! :) happy hwebes po!

etteys last blog post..[LP: Mahal na Ina]

Ang gaganda naman… ang saya, may rosas pa!

cathys last blog post..Pasasalamat

wow. sa mga halaman pa lang na inalagaan nya, naniniwala ako na kayo ay napalaki nya ng husay!

happy mother’s day!

Uy, euphorbia tsaka rosas! Yan din ang paboritong halaman ng nanay ko. Nahilig din ba sya sa orchids :)
Cookies last blog post..Litratong Pinoy : Mahal Na Ina

Kasingganda mo ang mga bulaklak ni nanay…
Happy mother’s day to your nanay and to all nanays.

nonas last blog post..Mahal na Ina

Magaling maghalaman ang mga ina, ang ina ko din. Ako lang yata ang hindi, hihihi.

Maagang Araw ng mga Ina sa iyong ina, Mousey :)
julies last blog post..Mahal na Ina

Kahanga-hanga ang iyong ina… magaling na magluto, magaling pa magtanim. Ang kanyang mga bulaklak ay sobrang magaganda.

Tiyak ko siya ay natutuwa sa iyong mga dasal.

napapangiti ako sa iyong larawan sapagkat palagi ko nairerelate ang halamang Euphorbia sa aking ina. Paborito nya kasi yan at ako palagi nagdidilig nyan dito sa bahay hehe

Maligayang Araw ng mga Ina

:grin: yung tatay ko naman ang mahilig sa halaman. halos parehas sila ng tanim ng mami mo. happy mami’s day sakanya

veras last blog post..buhok mo’y green

ang gaganda naman ng alagang na bulaklak ng mom mo… ganda din ng kuha, lumabas tlga ung ganda nung bulaklak…:)

hapi huwebes…:)

emoterang nurses last blog post..LP #6 BELOVED MOTHER

Magaling pala sa halaman ang iyong ina. Ang gagandang bulaklak!

Ang aking litrato ay naka-post na rin, daan ka sa aking blog kung ikaw ay may panahon:

Shutter Happy Jenn

Maraming salamat!

Jenns last blog post..LP - Mahal na Ina

salamat sa pagbisita! ‘mother dear’ din ang tawag ko sa aking ina sa aking celfone directory. :)

mabuhay ang iyong ina!

Dragon Ladys last blog post..L.P. #6: Mahal na Ina

alaga at panahon ang kanyang binibigay sa kanyang mga halaman, malamang ganun din siya sa iyo :smile:

magandang lp!

teyss last blog post..LP#6 - Mahal na Ina

pareho tayong malayo sa ina. :( pero kahit malayo tayo, kayang-kaya pa rin nating ipadama sa kanila ang ating pagmamahal, diba? napakaganda ng iyong dasal.

Munchkin Mommy
Mapped Memories

Munchkin Mommys last blog post..LP #6: Ina

this reminded me of my mom as well, as she loves tending to her orchids. happy mothers day to your mom :mrgreen:
sardonic nells last blog post..Litratong Pinoy #: Mahal Na Ina

talagang iyan ang gusto itanim ng mga nanay ngayon ano? :) malayo din si mommy ngayong mother’s day (may convention), pers taym! sigh.

Kajes last blog post..LP 6 Mahal na Ina

tara, uwi muna tayo at ng mai-pasyal natin ang ating mga maders :mrgreen:
thesss last blog post..LP #6 : Si Christa…mahal na Ina

Happy momy’s day to you!

Willas last blog post..The History Of Mother’s Day

Wow! Ang gaganda naman ng mga bulaklak ni Mommy!

Happy Mothers’ Day!

MommyBas last blog post..Photo Hunt: Open Theme

TrackBack URI

Leave a comment
Line and paragraph breaks automatic, e-mail address never displayed, HTML allowed: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

(required)

(required)